Corny tong post na to.
Bakit kaya ganon? Feeling ko ang corny corny ng mga pinagpopost ko dito. HAHA! Di bale, nagsisimula palang naman ako eh. Wala pa ko makwento ngayon. Dumating lang ang araw na may mga magagandang nangyayari, kita nyo rin. HAHA!!
Hi Dabes! :))
Pinagtripan ko basahin blog mo. Grabe. Wala. Astig lang. Laughtrip ako e. Ang saya lang ng buhay mo. :D May mga part na nakakainggit may part na nakakatuwa. Hahaha. Ang dami ko naiisip habang binabasa blog mo. Basta ang isip ko……INGGIT ako grabee. Haha. :)) Missyoulang. :))
Malapit na pasukan wala pa ko black shoes. :((
Hello June !
Grabe, June na agad? Agad-agad! Di ko man lang talaga naenjoy summer. Letse, lagi nalang ganito tuwing summer. Lugmok lagi sa bahay. Papagalitan pag walang ginawang tama. Tae lang. Kaya atat na atat ako pumasok eh, para wala sermon at marami maannneehh! Gayunpaman, may part na ayoko pa kasi aral na naman, wooo, eto na naman tayo. Basta June alam mo na ah? Pagdadasal ko yan lage! :))
(Source: vivasuvida, via ayessamae)
Paging all Pinoy bloggers out there!
Comeback lang talaga ako ngayon sa Tumblr e. Halos ilang buwan din akong nawala. Gusto ko talaga magfollow ng mga Pinoy Bloggers e. Kasi ba naman, sa dashboard ko puro foreign. Iba rin naman ang sariling atin diba? Kaya eto ako tinatangkilik kayo! Kahit wag nyo na ko ifollow, fofollow ko kayo. Medyo nangangapa pa kasi ako ule sa Tumblr e. :D Salamats! :)))

(Source: inspire-quote.com, via straubrey)

(via nicolesaguinsin)
Hey guys, making a post here for my much-awaited comeback after a long long long vacation. You know what I mean. :D
Ang ganda lang ng intro ko. Feeling artista lang. HAHA. This is the thing; nahihiya ako magpost sa Tumblr. Ewan ko kung bakit. Hahaha. Siguro takot lang ako sa reaction ng mga tao sa post ko and everything. Parang timang pa nga ako e, pili lang yung finofollow ko. :D Pero hopefully sana ngayon, makafollow na ng mga friends, classmates, batchmates, schoolmates and blockmates. :)

(via khamzkee)

GIF 6

Happy Thoughts ♥
First time ko mag-invite ng mga classmates na magpunta sa bahay. Swear. Bulabog talaga ang buong bahay. Kahapon (Mar 8) lang talaga nagkaroon ng ingay dito. Eh tatatlo lang naman kasi kami dito e, di naman maingay. Ang saya lang ng feeling :))
Eto mga pictures :)

Eto sila pagdating nila :)

Papractice sana kami sa Speech Fest, yung para sa Verse Choir. Aba. Hindi e. Naglaro muna ng Temple Run at Fruit Ninja. Naaliw din ako dun sa Ipod ni Jannica. HAHAHA.

At sa wakas nagpractice na rin. Wohoo. Nasarapan kami dun sa 10 counts. Wooo. At may mga naisingit pang suggestion si Lou na si Angge lang ang sumasang-ayon. Haha. :))

LUNCH! Yeeebbbaaa. Sorry guys, late ko na kayo napakain. Around 1pm na ata eh. At inuna muna ang UNDERWATER bago ang foods. Saaarrraaap no? At saktong sakto lang sa kulay ng damit ni Sonny. EPIC! :))

Ayan oh. Mga nasarapan sa Underwater. Hala. May kulang sa pic, sina Shyne, Jonaline, Jannica at Angela. Pero alam ko nasarapan naman sila e. Sino kaya sa mga yan ang nakarami ng take sa juice? Hmmm. :D

Ayan yung foods na naubos agad. I guess naenjoy naman nila yung food. Sorry sa kakapusan. HAHA. Swerte ng mga unang nakadampot ng ulam. Masarap sarap eh. Ayon. Pagdating sakin, woaw. Pancit ang ulam. HAHA. :))

Trial lang habang nagseset-up ako ng camera. Astig nga e. Aalis na kasi sina Shyne and company e. Kaya picture picture muna. Yung trial na yan kakadiscover ko lang dun sa camera ko e. :D

Ayan naman yung kasama na ko. Para fair! HAHA
~After umalis nung naunang batch, ayon. Waley na nangyari. HAHA. Pahinga nalang, walang practice. Pinanuod din sa TV ang 505 pics lang naman. Saya diba?

Isa pa! Sa baba naman kami. Haha. Ang saya lang ule. Di na nagsawa sa picture. Pag marami kaya, nakakasawa na. Pero tingnan mo sa comp, sarap ulit-ulitin. Astig eh, burst tsaka sunod-sunod. FACES!! :P

Karyoka for merienda. Uyyy. Nasarapan sila. Sarap kapag balut na balot sa matamis e no? Eh ambigat naman sa tyan, yun lang. Napaso si mama na nagluto neto eh. :( Awa ako. Kala ko kasi di na magpeprepare para sa merienda, eh nagluto e. Worth it naman kasi positive comments ang narinig ko galing sa kanila :)

Ang saya lang ng usapan namin diba? Nguso Pooh Sexbomb at laaahhaat na!! Haha. At nag-usap naman ang 2 boys dun oh. Yieee. Hiya hiya pa yang kapatid ko e, sampalin kita e! Grabeng laughtrip usapan naming girls, nakakainis, ang sakit sa tyan! HAHAHAHAHA!!
~Kala ko stay pa sila e. Pero sad to say di na. Pero okay lang kasi baka mahirapan sila pag gabi na, medyo nakakatakot pa naman deto samen. XD

All set to leave! Tie tie din ng shoes. XD
Picture picture daw muna sa farm bago umalis.

Pooh and Friends at the jungle. XD

Last na talaga. :)

Sa labas naman ng house. Sa may gate. :))

Wacky. Tae. Di na-timing-an ni Madir ang mukha ko. FAIL!
Pero above all, super duper thank you sa memories na to. Super nag-enjoy ako sa company nyo. Dito naramdaman ko na iisa tayo, na lahat tayo, TRUEFA! Parang nagkaroon na ng closure dito. Ang saayyyyaaa. May hangover pa ko dito e. Sa uulitin guys ha! I ♥ Y’all! :*
Appetizer :)

The day seemed too long. Tomorrow na ang story! :))

